Pasakit

Palaso na mula sa mangangaso

Ay sunod-sunod kong sinalo

Gamit ang puso kong naghihingalo

Kahit alam ko;

Na ito’y may kaakibat na sakit

Ang puso ko’y hindi titigil sa pagpintig

Madami man akong dinadalang pasakit patuloy akong makikinig

Sa mga labi mong punong-puno ng kasinungalingang nakasasakit

Makaramdam man ako ng ligalig

Ang damdamin ko’y hindi mo mapipigil

Leave a comment