Hakbang papalayo

Inaalala ang mga panahong ika’y kasama.
Luha’y tuloy tuloy sa pag-agos, pagtulo.
Mga alaalang kay saya unti unting naglalaho.
Saya at kalungkutan ikaw nito ang nagturo.
Isip ay natutuliro.
Hindi makapagdesisyon lalaban ba o susuko.
Mga pangakong binitiwan ito ba ang magbabago?
Ipinako sa pader, itinaga sa bato.
Subalit tila tinangay ng hangin, inilipad papalayo.

Hakbang papalayo

Nagtatanong ang puso,
Tama ba ang tinahak na landas?
O ito ba ang sanhi ng iyong pagkalas?
Tuluyan na bang nawala ang iyong pagmamahal na wagas.
Nang dahil sa bagong lalaking nakita sa labas.
Oo nga pala’t tunay na mundo ang pinasukan ko.
Mundong babago sa buhay mo.
Inilayo ako sa tunay na ako.
Tinangay ang nagpapatibok ng puso ng isang gago.
Nagbilang ng mga buwan.
Isa, dalawa, tatlo hindi nagkasawaan.
Nagbilang pa ng maraming araw,
Isang lalaki biglang nakisawsaw.
Marupok ka bang tatawagin,
Kung ang pagibig kaya kang bulagin.
Masisi ka ba sa iyong ginawa?
Mahal kita kung kaya’t magpaparaya.
Tanga na kung tanga pero tangina mahal pa rin kita.
Huling hakbang papalayo.
Tama na sabi ng isip.
Laban pa sabi ng puso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s