GURO

Dalawang pantig dalawang patinig dalawang katinig

Guro ang nais ipilantig.. Sa piyesang hindi marinig ng pusong tanging alam lang ay pagpintig Ang ingay naman jan sa likuran, iwasan ang daldalan, ikaw! Oo ikaw halika rito sa harapan at ang bawat numero ay iyong sagutan ilan sa mga salita na hindi ko malilimutan Boses ng taong nagbigay kaalaman sa bawat murang isipan Akoy susubok na ika’y bigyang kadakilaan kahit minsan.. Madalas! Akoy iyong sinisigawan.. Pero ang salitang respeto ay patuloy ko sayong ilalarawan Para kang Buwan! Na kahit malalim na ang gabi patuloy pa ring nagsisilbi kahit ang marka ko’y Medyo tabingi ay hindi pa rin napapawi ang ngiti sa’yong mga labi Maraming katanungan ang bumabagabag saaking isipan tulad ng mga sino saan paano at kailan Guro, Nakakaramdam ka rin ba ng panghihina ng loob? Oo naman. Siguro hindi mo na mabilang kung ilang beses ka ng nalunod at lumubog… yung mga gabi na sinubukan mong lumaban ngunit natalo ka ng pagod at antok. Minsan inisip ko na… ang malas ko sa larong ito. Kase sa tuwing may tawagan at bunutan para sagutan ang mga tanong na hindi ko naman talaga napag aralan ay pangalan ko ang unang babanggitin sa unahan, na tila ba parang sinasadya ng kapalaran, na ako’y mapahiya at pagtawanan Katotohanang hubad Na laging unang nabubunot ang aking index card Lalo na sa pisting math Naalala ko pa noong umaakyat ka ng hagdan at narinig namin ang iyong pagtapak sa daan kami ay kumaripas ng takbo sa loob ng silid aralan at nagpanggap na para bang walang nangyaring kaguluhan Ang saya ko noon kase napansin kong wala kang dala Inisip ko na walang klaseng magaganap dahil marami kang ginagawa pero may pagsusulit pala Kabisado mo ang bawat pagsenyas Kabisado mo ang bawat pagpilantik ng oras Kabisado mo ang bawat tinginan ng mata na para bang banas na banas Dahil sa pagsusulit na iyong nilabas Isang araw napansin ko ang iyong pustura ay tila hindi pangkaraniwan Ang talukap ng iyong mga mata ay tila babagsak na. isang hiwatig, na ang gurong masigla ay tuluyan ng nanghina Sa mga oras na yon, napagtanto ko na ang salitang “pagod” at ang salitang “guro” ay magkatugma Sa bawat paghimay…. at paghahasa Sa bawat pagmamahal at paghuhubog na ibinibigay niyo sa masa Ay walang humapay na pasasalamat walang halong bola Kahit ang asukal pa’y umalat

Muli maraming salamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s