AKING HIMIG”
Namulat ako sa pangit na katotohanan
Maraming tanong na umiikot sa’king isipan
Bakit kailangan akong ikumpara kay pinsan?
Alam kong hindi ako kagalingan
Alam ko rin na hindi kailanman mo’ko hahangaan
Nasasaktan ang aking damdamin
Araw araw humaharap sa salamin
Tinatanong ang sarili, ano ba ang dapat gawin?
Napakababa saakin ng iyong tingin
Kamalian ko na lang lagi ang napapansin
Ngayon ay nakatulala
Namumugto ang mga mata
Nanginginig ang kamay sa kaba
Naiisip ang mga masasakit na salita
Mga pagbabanta mula sa labi ni ama
Hindi naman sa pagiging madrama
Nais ko lang ibahagi ang aking nadarama
Masasabi kong malaki ang aming pamilya
Miyembro kami ng Maralita
Isa ako sa mga walang kwenta
Hindi ako matalino at talentado
Hindi ako mahusay na inaakala n’yo
Isa lang akong inakay na mahirap matuto
Dukha at maitim ang kuko
Ito ang awit ng buhay ko
Hindi masaya kundi nakakadurog puso
Ang Pamilya ko’y maingay at magulo
Ngunit umaasa ako na balang araw makakasama ko sila sa paraiso