Galit K.M.

Sa tuwing ika’y nakikita

Ang itim ng aking budhi ay nagbabadiya

Ang kamandag ng ahas ay pilit kumakawala

Unos ay binaliwala

Sisirain ang lahat ng salita

nakapaloob man sa pangalan mong nasa balarila

Ipuputok ko sa ulo mo ang natitirang bala

Subukan mo mang magmakaawa

Hindi ako magdadalawang isip na ibalot ka sa tela na animo’y basura

Tulad ng ginawa mo saaking pambabasura

Igaganti ko ang aking sarili ng may interes pang kasama.

Leave a comment