Presentation

Since ma’am Escolano isn’t around me and my classmates decided to go to the computer lab to finish our hang works. I don’t have any works yet because as i said last day in my blog , i’m not able to attend to the school because we represent PSHS in terms of Balagtasan so yeah

I did my power point presentation as fast as i can just to pass it on time and yes! I successfully passed it on time but my presentation isn’t good enough and that’s ok, why? Because failure is part of our life and I’m allowing failure in my life to be my motivation ❤️

Pagkakamali

Maraming tao ang nagluklok sayo sa posisyon
Lihim ng ‘yong pagkatao’y tuluyang ibinaon
Hindi pinakinggan ang samu’t saring opinyon
Mas pinakinggan ang pagkalam ng sikmura ko noon
Alam kong mali ang pinataw kong desisyon
Ngunit Wala kase kaming ibang option
Pamilya ko’y gutom kaya tinanggap ang pera na inabot mo noon
Kapalit ng maling pamamalakad at hindi mo pagsunod sa iyong obligasyon.

Nalalapit na naman ang botohan
Pulitiko’y nag uunahan sa halalan
Mga kandidato’y humihingi ng tulong sa bayan
Pagnaasam na ang pwestong nais makamtan
Sigaw ng bayan ay hindi na pinakikinggan
Mga pangakong noo’y binitawan hindi na nagawang panindigan
Sariling interes na ang tinutukan
Hinakot ang kaban ng bayan
Hindi inisip ang mga nangangailangan

Sa kurapsyon nagmumula ang kahirapan
Miyembro ng maralita handang makipaghabulan kay kamatayan
Hindi takot sa tatahaking daan sa kulungan
Malamnan lang ang kanilang mga tyan
Paano nga ba aangat ang taong bayan?
Eh kung ang mga nasa puwesto ay ayaw mapaglamangan
Taong bayan qy sinasamantala sa kanilang kahinaan
Tinatago ang katotohanan at ginagawa tayong mangmang ng pamahalaan

Ang May Likha

Hindi ko na tanda
Kung ilang beses kitang ikinaila
Ipinagsawalang bahala ang ‘yong mga salita
Sumisid sa karagatan ng pagkakasala
Nabulag sa mundong puro pandaraya
Ang mga pahina, na di maiguhit sa saya,
Ay napunit na
Luha ang ipinangpinta
Galing sa aking mga matang ako mismo ang pumiga
Upang iguhit ang pusong puro sugat at pasa
Ngunit ito’y hindi pinahintulutan ng may Likha
Bumulong siya saakin sabay sabing “ika’y manampalataya”
Nanginig ang tuhod ko sa kaba at napaluhod ako sa saya
Bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabad’ya
Ang pusong puno ng galit at inggit ay kan’yang pinalaya
Sa puso ko’y inalis ang masamang pag-nanasa
Sa bisig ng pagkakasala
Ako’y tuluyan ng kumawala
Mga kasalanan ko’y ibinaon na sa kailaliman ng lupa
Muling hinimay ang ‘yong mga salita
Hindi alintana kung ako’y maralita
Muling binuhay ang aking kumpiyansa
Isiniwalat ang salitang Pag-Asa
Ibinigay muli kay Bathala ang pagtitiwala
Ang aking kakayahan ay kaniyang hinasa
Ako’y binigyan niya ng isang gantimpala
Isang pusong pinawalang sala
Binigyan ng pangarap na sing dami ng mga tala
Uubusin ko ang tinta
Para lamang isulat ang buhay kong masagana
At Namuhay ng payapa kasama ang Panginoong mapagpala.

Absent

( June 28, 2019) Im not able to attend to school because we’re having a division contest in Gulod National highschool to represent Pulo Senior High school (my school) in terms of “Balagtasan”

To be honest it’s very difficult to join the contest specially when you don’t have enough practice, example our situation this past few days my teacher told us that we’re joining the contest called Balagtasan, she announced it exactly june 27 then the start of the said contest is on june 28, Rushing sucks!!

We didn’t won because our title isn’t right because our couches didn’t also know what’s the exact title, so they said that “just pick what’s title you want” we picked “Sino ang nararapat magturo ng halagahan sa kabataan? Pamilya o Paaralan”

But the given title to all schools that joined the contest must “Nakabubuti ba ang internet sa kabataan?”

So yeah that’s all😆

Ps. I’m not able to do my blog this past few days because of rushed memorizing

Almost Finished

June 27, 2019

(9:20-10:20 am) We’re in the computer lab and i started to do my survey results in Excel with matching their graph.

It’s a lil bit harder for me because i don’t have any knowledge about on how to use excel AF!?! Thanks to my friend because she helped me to do that stuff in excel and surprise! I didn’t pass it on google classroom because we’re having a lack of time so i do save it. Reality sucks

Para Sa Mga Magulang

I’m not able to go to school today because I’m not feeling well so i decided to wrote a simple poetry for Parents. Hope you like it😊

“PARA SA MGA MAGULANG”

Ayokong sayangin ang pagkakataon
Nais kong sulitin ang bawat oras at taon
Pinananatiling masaya ang Ating relasyon
Dahil ang lahat ng ito’y may hangganan sa tamang panahon
Pilit aalalahanin ang bawat tinuturong leksyon
Ayokong dumating sa puntong…
May pagsisisi sa puso ko na patong-patong
Ayokong iwan niyo ako ng may mabigat sa puso ko na animo’y may angklang nakapatong
Hindi ko man aminin sainyo o harapang sabihin
Alam kong alam niyo ang gusto kong iparating
Alam kong dinig niyo ang bawat bigkas ng aking damdamin
Salamat sa walang sawang pagsuporta saakin
Mga mata ko’y ipipikit ng mariin
Mga ala-ala’y pilit na aalalahanin
Mga ligayang tinanim ay magalak na aanihin
Nararapat nga na kayo’y paligayahin respetuhin at lubos na mahalin
Takbo man ng mundo ay tumulin
Mahal ko kayo. Hanggang sa uulitin

Final Survey

Pagkatapos ng break time tumungo ns kaagad sa com lab upang mag attendance pagkatapos mag attendance ay hinanap namin kung nasaan ang strand na EIM-11.

Nang makita namin sila agad naming ibinigay ang survey form at ipinaliwanag ito sa kanila. Aaminin ko na medyo nahirapan ako sa survey na ito dahil hindi lahat ay interesado na ito ay sagutan sa kadahilanang sila’y nahihirapan sa mga tanong.

Habang hinihintay namin silang matapos magsagot inobserbahan ko ang bawat estudyante sa EIM-11 at kitang kita sa kanilang muka na sila ay nahihirapan kaya naman ang iba ay hinulaan ito at ang iba naman ay nagkopyahan.

Magpapakatotoo lang ako.

Ako ay nagpipigil ng tawa habang sila’y pinagmamasdan dahil sa mga expression ng kanilang mga muka😂

Survey

I’m not yet done doing my survey in EIM 11 so i decided to walk with my classmates and observed how they do their survey.

I also do observed those students who’s answering the survey and i wonder why because one of the student that answering the survey asked my classmates. He said “Why it’s hard? Survey must be easy” then i realized that he’s right. When my classmates response they said that Mr. Edos is the one who gave us the copy of that survey and we will just edit it in Microsoft Word then print it out then the boy just shrugged.

A minute after, they already finished their survey but they are not done yet .

Remember in life

Find the problem- hanapin mo yung problema sa sarili mo o sa paligid mo
Make an hypothesis- sa lahat ng gagawin mong desisyon i-assume mo yung lahat ng maaaring mangyari. Isipin mo yung mga epekto nito sayo pati sa ibang tao.
Do the experiment- gawin mo yung isang bagay na gusto mo o yung bagay na ginusto mong piliin then;
Observe- obserbahan mo yung epekto ng ginawa mo sa buhay mo at desisyon na pinili mo. Nakabubuti ba ito para sayo at sa iba o nakakasama. Kapag alam mo na yung sagot gawan mo na ng aksyon kung alam mong mali yung ginawa mo at nakasakit ka ng ibang tao wag mo na ulit ulitin ang pagkakamaling iyon.

Hindi masama magkamali. Pero ang pagkakamali ay hindi inuulit-ulit you need to learn from it. Kung nasaktan ka nung una. Wag mo ng ulitin. You dont need to be the best ,just do your best
Always seek for the knowledge you dont need kase kapag ang isang bagay ay paulit ulit mo ng ginagawa at namaster mo na hindi na kagalingan o katalinuhan ang mga tawag don. Ang tawag don ay kasanayan.

Hindi madali ang mabuhay kase alam naman nating lahat ng bagay sa mundo ay Kailangan mong matutunan at hindi yon madali para saatin kase lahat tayo ay first timer sa buhay na to kaya wag kang magtataka kung ang buhay ay mahirap
Hindi rin fair ang mundo dahil lahat naman ng tao ay hindi perpekto, lahat tayo problemado. Hindi mo kinakailangan maging tanyag , mayaman at manghusga ng iba para maging masaya. Para kanino ka nga ba nabubuhay? Hindi ka nilikha para sirain ang buhay na ibinigay sayo. Nilikha ka kase may purpose ka sa mundong ito at kailangan mong alamin kung ano iyon. Just enjoy your life. Know your limitations and always be happy dont waste your energy for those people who makes you mad.

Remember:

If you’re mad be quite because you can hurt other people by realising those hurtful words and it may affect they whole life.

If you’re happy be quite because you can say promises that you’ll be able to break someday

Cherish the day every moment 💕

“MARUNONG KA BA MAPAGOD?”

MARUNONG KA BA MAPAGOD?
Sa maling pag-ibig ika’y nagpapakapunod
Sinisisid ang malalim na dagat at hinahanap ang pusod
Tila gumagawa ka ng sarili mong puntod
Hindi ka ba napapagod?
Ilang beses kana ba sa pag-ibig natisod?
Ilang beses kana ba umiyak at lumuhod?
Ilang beses kana ba nagpagpag ng tuhod?
Hindi ba’t maraming tao na ang sayo’y tumalikod?
Nasaktan kana ng ilang sunod-sunod
Hindi ka ba napapagod?
Sa bawat araw at gabing ika’y bigo
Ang puso mo’y nakabilanggo
Mahigpit na nakagapos at patuloy na hinahapo
Ang pinto’y sarado at nakakandado
Nakakulong sa madilim na kwadradong kwarto
Hindi ka man lang ipinaglaban ng ipinagmamalaki mong abogado
Ikaw lamang ay kaniyang niloko
Kitang-kita ko sa mga mata mo
Nakaukit sa puso mo ang masasakit na litrato
Ang isip mo ngayo’y nagsisilbing kwaderno
Ang puso mo’y nagsisilbing libro
Punit-punit at hindi makuha ang tunay na anggulo
Damdamin mo ay magulo at sadyang nakalilito
Ika’y pagod ngunit hindi humihinto
Kailan mo tatapusin ang malungkot na kwento?
Kailan ka ba sa kan’ya susuko?
Burahin mo na ang abogadong hindi kayang ipaglaban ang pag-ibig mo
Muli kang gumuhit ng mundong mala paraiso
Ilaan sa Diyos ang puso mo
Bumuo ng kwento na kasama ang Kristo