Bilang paatras

Isa Dalawa Tatlo

Tatlo
Tatlong taon na ang nakakalipas
Larawan mo saaking isipan ay dipa rin kumukupas
Nasayang ang taon, panahon at oras
Sa relasyong akala ko’y walang wakas

“Hindi kita iiwan kailanma’y hindi kita bibitawan”
Mga salitang binitiwan ngunit hindi pinanindigan
Marami akong kakulangan pero hindi ‘yon dahilan para ako’y ipagtabuyan
Sawa na akong magmahal at kaawaan

Dalawa
Dalawang taon tayong nagsama
Kailanma’y hindi ko naisip na humanap ng iba
Ilang beses humiling sa mga tala na sana ikaw ang ipinadala ni bathala
Ngunit mali pala ang aking akala

Sa isang iglap ika’y nawalang parang bula
Iniwan akong mag isa
Binitiwan ang aking kamay at hinayaang lumubog ang bangka
Hinayaang anurin sa aplaya ang pusong kawawa

Isa
Isang araw nakapag desisyon akong sumuko
Sawa na akong lumuha lumuhod at yumuko
Napag isip isip ko na ang pagsuko ay hindi kaduwagan
Ito’y tanda na tapos kana sa isang bagay na iyong pinaglaban ngunit hindi mo napagtagumpayan

Redemption

Through the blood of Jesus you can defeat the enemy
Through the blood of Jesus I have redeemed by the power of the enemy

Through the blood of Jesus I have done forgiven. All my sins are forgiven.
Matatanggap mo ang kapatawaran kapag nag confess ka sa Lord ng mga kasalanan mo.

The blood of Jesus permanently cleanses from my sin.
Kapag sumunod tayo sa Lord he will purifies us.
We must walk in the light and live in fellowship w/ other believers.
We must walk certainly when we live on obedience to what God’s revealed through his words.

Through the blood of Christ we are justified.
(Pinawalang sala) there was an exchange.
(Salvation) Jesus crucified just to be justified.

Through the blood of Christ we are sanctified
Gods nature is holy.
Jesus suffered outside the city gate to make the people holy through his own blood. We are all sinners we’re not excuse to all temptation but God’s gives us a forgiveness.
You deserve to serve the Lord.

Tools of a Leader

A successful leader must:

Person of faith/full of faith-faith comes from hearing the message of the Lord

Moves the spiritual realm when they speak- mag pagkilos sa leader mo o sayo. Everytime na magsasalita ka sa ibang tao dapat may masasabing anointing at intimacy sa Lord. Dapat sinasabuhay mo lahat ng nababasa o naririnig mo sa bible.
Understanding the Word of the Lord is very powerful pero wala itong kabuluhan kung walang pagkilos p gawa.

Enables all the things to become possible.
(Hebrews 11:6) w/o faith nothing is impossible to please God. Gagamitin ka ng Lord to do impossible things pero dapat you are full of faith and it will become a gift of the holy spirits

Edifies lives and reproduces themselves in others. Pagpapadami sa mga naniniwala sa Panginoon

Has a committed team
They want to be useful in the vision

Has lasting leadership.
Nagtatagal ang pagiging leader.
The measure of success of a leader is determined by the number of desciples they are training for leadership.A successful leader must:

Person of faith/full of faith-faith comes from hearing the message of the Lord

Moves the spiritual realm when they speak- mag pagkilos sa leader mo o sayo. Everytime na magsasalita ka sa ibang tao dapat may masasabing anointing at intimacy sa Lord. Dapat sinasabuhay mo lahat ng nababasa o naririnig mo sa bible.
Understanding the Word of the Lord is very powerful pero wala itong kabuluhan kung walang pagkilos p gawa.

Enables all the things to become possible.
(Hebrews 11:6) w/o faith nothing is impossible to please God. Gagamitin ka ng Lord to do impossible things pero dapat you are full of faith and it will become a gift of the holy spirits

Edifies lives and reproduces themselves in others. Pagpapadami sa mga naniniwala sa Panginoon

Has a committed team
They want to be useful in the vision

Has lasting leadership.
Nagtatagal ang pagiging leader.
The measure of success of a leader is determined by the number of desciples they are training for leadership.

Tunay na kaibigan

“TUNAY NA KAIBIGAN”
Iisa lang ang ating mundo
Pero napakaraming tao
Hindi ko na alam kung sino ang totoo
At kung sino ang mga nagbabalatkayo
Sa laki ng mundong Ito
Minsan ka lang makahanap ng taong totoo
May mga tao kasing nakikisimpatiya akala mo naman totoo
Pati mga ngiti pinipeke na sa mundong Ito
Saan nga ba makakahanap ng tunay na kaibigan?
Karamihan kase ngayon kaibigan ka lang pag may kailangan
Ichichismis kapa pag ikay may kasalanan
Lalaitin kapa at huhusgahan
Tunay na kaibigan?

Iyan yung mga taong hindi ka iiwan sa oras ng kagipitan
Yung kasama mo sa lahat ng kalokohan at binabatukan kapa kapag may magandang dumaan
Sa eskwelahan man o galaan dala niyo lagi ang kasiyahan
Ang sarap lang isipin na may mga kaibigan kang ganiyan
Yung walang kasamang plastikan
Sana magkakasama parin tayo kahit may sari-sarili na tayong angkan
Yung tipong walang iwanan
Pag dumating ang mga pagsubok
Pwede bang walang magmumukmok?Pagkakaibigan lang natin ay sinusubok
Walang iwanan kahit mundo’y maging tatsulok.

“Hanggang Dito Na Lang Ako”

“Hanggang Dito Na Lang Ako”

Ako ay lilikha ng tula
Gamit mismo ang sariling mga luha
Isusulat ang lahat ng salita
Na maaaring itugma sa puso mong bato
Lilibutin ko ang mundo
makalimutan lang ang tulad mo
Mundo ma’y mawalan ng kulay
Relasyon ma’y mawalan ng buhay
Bitiwan mo man ang aking kamay
Buhay ko’y di mawawalan ng saysay
Marami akong katanungan
Tulad ng mga Sino? Saan? Paano? At Kailan?
Mga ngiti sa labi mo nakatatak sa’king isipan
Hindi malimutan ang iyong kakulitan
Hindi kayang palitan ng kung sino man
Hinabol kita ng walang alinlangan
Ngunit ipinadama mong ako’y hindi na kailangan
Ipinagtabuyan animo’y basurahan
Tinahak ko ang mundo ng pasalungat
Mga labi mo lang ay ma-i-angat
Relasyon ma’y unti-unti ng umaalat
Patuloy kapa rin ipinagmamalaki sa lahat
Isang araw ako’y napagod
Ang takbo’y sobrang bagal na ng usod
Maling daan na yata ang tinatahak ko
Hihinto na lang muna ako
Pagod na rin kase ang mga paa ko
Magpapahinga na lang ako at uupo
Hindi ko na itutuloy ang aking pagtakbo
Ako’y unti-unti ng bibitaw sayo
Sawa na rin akong manuyo
Tila titigil na ang pintig ng aking puso
Hanggang dito na lang ako

KAIBIGAN

July 06, 2019

Sorry for the late update..

Walong letra
Isang salita
Mga taong nagbibigay ngiti sa aking muka
Hindi tinignan aking estado ako man ay dukha
Sabay sabay kaming gumagala may pera man o wala
Sila yung mga taong minsan saaki’y nagpaluha
Naalala ko pa noong mang mang pa ang ating mga isip at maikli pa ating mga binti
Bumukas ang inyong mga labi
Bleeeh hindi ka namin bati
Muka kang pwet ng kawali
Mga salitang hindi ko isinantabi
Mga salitang sa puso ko’y nagpahapdi
Pakiramdam ko ako’y inyong inaapi
Habang nakatingala sa mga tala
Inaalala ang mga nakaraang nakakatanga
Kita ang saya sa aming mga mata
Ngayo’y sama-sama na kaming lumalaban
Minsan mayroon pa ring asaran
Ngunit hindi mawawala ang sapukan at hampasan
Sumasama rin kami sa mga rambulan kapag may kaaway si kaibigan
Kaibigan? Sila yung pwede mong lapitan sa oras ng kagipitan
Kasama mo rin sila sa kasiyahan
Sila yung mga taong babatok sayo kapag sumobra ang ‘yong katangahan
Para sa mga kaibigan ko diyan,
Baka naman
Sana walang limutan
Pagsasamaha’y sana tumagal ng higit pa sa buwan
Gusto ko masilayan ang inyong magiging angkan
Pwede bang walang magmumukmok?
Mambato na lang tayo ng mga manggang bulok
Ibato sa kaaway nating mukang lamok
Pwede bang walang iwanan doon sa may sulok
mundo ma’y maging tatsulok

Palaso

July 05, 2019

Since it’s a continuation of our intramurals we don’t have a lesson so i decided to make a simple poetry.

Medyo malabo na ata ang mata ni kupido
Tila mali ata ang tama ng kaniyang palaso
Hapdi at sakit ang aking natamo
Sa bawat baon ng palaso dito sa puso ko
Kasabay nito ang maling pag-ibig ko sayo
Hindi sapat ang bawat baligho
Ang tadhana ay napaka mapanudyo
Talento ko na yata ang pagbabalatkayo
Habang inaangkin niyo ang mundo
Ang puso ko’y walang tigil sa pagdurugo
Mundo ko’y biglang gumuho
Katawan ay nanlumo. Animo’y lantang damo
Ang ugat ng pag-ibig ko sayo ay unti-unting natuyo
Ngunit ika’y nagsilbing tubig at ako’y sinuyo
Ang lantang damo ay muling tumayo
Nagsilbi ka saaking bukas na libro
Nagbigay buhay sa malungkot na mundo
Muling nabuhay ang pag ibig saiyo
Buong akala ko’y nagpapakita ka ng motibo
Pero ako nanaman pala ay bigo
hindi ako ang tinitibok ng iyong puso
Masakit ang mga ala-ala saating kwento
Pinipilit kong himayin ang bawat segundo
Pinili ko ang bawat salita na sayo’y sumisimbolo
May isa lang sana akong pakiusap sayo.
MAAARI MO BANG TANGGALIN ANG PALASO SA PUSO KO?

Ps. Sorry for the late update

Suko na Ako

Sa tuwing ikaw ay may kailangan
Malugod kitang tinutulungan
Sa tuwing ikaw ay nasasaktan
Mahigpit kitang hinahagkan at dinadamayan
Hindi naman sa ika’y aking sinusumbatan
Sadyang may nakabara lang talaga saaking isipan
Bakit ako pa ang kailangan pagbintangan?
Bakit ako pa ang kailangan pagbuntungan?
Bakit ko kailangan panagutan ang hindi ko ginawang kasalanan?
Akala ko ako’y iyong naiintindihan
Pati ikaw hindi mo’ko magawang paniwalaan
Akala ko ako’y iyong pinagkakatiwalaan
Ngunit malayo pala ‘yon sa katotohanan
Mas pinili mokong sigawan at ipagtabuyan
Ilang luha pa ba ang masasayang?
Ilang tula pa ba ang iaalay sa taong mahilig mag-sayang?
Sinubukan kong ihulma ang puso sa bato
Ngunit Hindi ka natinag at dinurog ito
Hindi kapa nakuntento at sinala pa ang bawat piraso
Kulang na lang sumabog ako sa sobrang sakit ng nadarama ko
Ngayo’y nagdadalawang isip kung susulong o susuko
Habang ang isip ko’y gulong-gulo
Ang puso ko’y sumisigaw ng “takbo walang susuko”
Nais kong salubungin ang mundo kasama mo
Sa bawat araw na kinahaharap ko
Mas lalong nadudurog ang puso ko
Hawiin mo man ang mga damo
Hindi mo mahahanap ang nawawalang piraso nito
Ihihinto ko na lang ang paghahabol sayo
Lagi na lang akong taya sa larong ito
Pasensya pero Sumusuko na ako

Intrams

July 3, 2019

Maaga kami pumasok dahil sabi saamin ng President ng SSG “before 7 dapat nandito na, 7 am start ng program” pero kanina nagsimula ang programa ng mga 8am or 9am diko alam ang eksaktong oras ang alam ko lang sobrang tagal naming nakaupo sa gym bago mag start.

Na enjoy ko naman ang panonood ng Mr. and Ms. Intramurals kahit medyo nag iinit na ang pwet ko sa tagal ng pagkakaupo at kahit halos mabingi na rin ako dahil sa mga babaeng sumisigaw sa tabi at bandang itaas ko.

Masasabi kong nakakapagod (dahil pagala gala ako hihe) pero masaya naman.😆