Liham

Amoy ng pinaghalong papel at tinta

Ang sasalamin sa nais ipabatid ng dalaga

Hindi maisatinig ang katagang sa puso’y nakapinta

Idadaan sa mga titik na sa pangalan mo’y tutugma

Hindi ko adhika na saktan ang binata

Sapagkat siya ay nagsisilbing pinaka makinang na tala

Kahit ako’y magsilbing “A” at ikaw ang “Ya” na ipinaglayo ng alibata

Ikaw pa rin ang perpektong salita na ibinigay saakin ng may likha

Cabuyao #1

CABUYAO NO.1

According to the source Cabuyao, officially the City of Cabuyao, (Tagalog: Lungsod ng Cabuyao), or known simply as Cabuyao City, is a 1st class city in the province of Laguna, Philippines. According to the 2015 census, it has a population of 308,745 people.

Sa ulat na inilabas ng DOF (Department of Finance) sa buong pilipinas ang cabuyao ay nasa hanay ng first class municipalities. Pagdating sa nakalap na kita o total income.

Para sa 2008 umabot sa 284.8 million ang nakolektang business tax sa cabuyao ayon kay mayor jun ito ang pinaka mataas na kuleksyon mula sa 1500 munisipyo ng bansa. Ayon naman sa ingat yaman na si gng elene stallia ito ay di lang dahil sa nagkaroon ng 50% na pagtaas sa buwis mula sa 1% na nabuo kita o gross sale ng negosyo mula sa 37% lamang. Sa halip ang mataas na kita ay dahil sa mahusay na pangongolekta ng buwis at maayos na pangangalaga sa pondong nabanggit. Bago pa man maging Lungsod ang cabuyao ito ang nangunguna sa may pinakamataas na kita sa lahat ng munisipyo sa bansa.

Pambungad Sa Cabuyao 1

PAMBUNGAD
Ang kasaysayan ng isang lugar ay bunga ng mga karanasan na tinamasa ng sambayanan.
Ang bayan ng Cabuyao na ngayo’y ganap ng lungsod ay hinango ang pangalan sa isang halaman, kabuyaw (isang uri ng citrus) na naglipana sa buong bayan noon. Ito ay masagana kung mamunga. Tulad ng halaman ng kabuyaw (isang uri ng citrus) kung saan hinango ang pangalan ng lungsod. Itong lungsod ng Cabuyao rin ay masagana sapagkat ang mga mamamayan na nasasakupan ng lungsod na ito ay nagkakaisa, marunong lumingon o bumalik sa bayang tinubuan isa ring dahilan ay ang maayos na pamamalakad ng mga namumuno rito. Marami nang nakamtam ang bayan ng Cabuyao dahil sa pagkakaisa ng mga mamamayan at maayos na pamamalakad ng mga namumuno na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-unlad ng bayan ng Cabuyao dahil sa pagdami ng mga istraktura rito na nakapagbibigay tulong sa bayan ng Cabuyao. Ang lungsod ng Cabuyao ay marami na ring na-iambag sa ating sinilangan o sa Bansang Pilipinas. Masasabi na ang pag-unlad ng bawat bayan ay ang pag-unlad na rin ng isang bansa.

Talumpati: Tunay nga ba na Ang Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan?

Bago ko simulan ang aking talumpati nais kong bumati ng
Isang magandang umaga sa inyong lahat mga binibini Gng ginoo at sa mga kabataang naririto tulad ko nawa’y makinig kayo at intindihin ang bawat salitang aking sasambitin. Ang talumpating ito ay pinamagatang “tunay nga ba na ang kabataan ang pag asa ng bayan?”

“Ang kabataan ang pag asa ng bayan” katagang gasgas na sa pandinig ng karamihan ngunit iniluluwa na ng sariling bayan
Kaya pa nga ba itong panindigan ng bawat kabataan?
Ang kabataan ang pag asa ng bayan
Pag asa ng bayan ang kabataan
Bali-baliktarin mo man ang mundo ang bayang sinilangan mo ay ikaw at ikaw pa rin ang magiging sandalan nito

Kabataan. Walong letra, ngunit napakaraming katanungan ang bumabagabag sa kanilang isipan tulad ng mga sino saan paano at kailan
Maraming tanong ang mga kabataan na hindi pinakikinggan ng sino man
Maraming tanong ang kabataan na paulit ulit lang tinalikuran ng bawat mamamayang nasasakupan ng bansang sinilangan
Maraming tanong na walang sagot hindi lang kung bakit ka mahalaga.
Maraming kabataan ang walang paki alam sa ating bayang tinubuan madalas pa nga silang nagpapaka-ubas sa gitna ng palayan walang paki alam kung may sakunang dumaan tuwang tuwa pa nga sila kase wala raw pasok sa paaralan hindi na inisip ang mga kababayang maapektuhan basta makamit nila ang sariling kasiyahan. Ang kabataan ay namulat sa mga luho ng kagamitan ang iba naman ay sangkot sa mga bisyong labis na kina-aadikan, ang kanilang mga magulang ay hindi na sila kayang pamahalaan.

Maaari mo bang ipaliwanag? Kung bakit nagagawa pang katatawanan ang mga nangyayare saating lipunan ng mga kabataang labis ang kapusukan?
Ika nga ni carlo
Sunod sunod na nga yung mga pag lindol makakakita kapa sa facebook ng mga naglalalanding status na “lumabas lang ako kinilig na ang mundo”
Masyado na tayong delikado sa pagpaparamihan ng likes
Masyado na tayong delikado sa pag sunod sa kung ano-anong social media challenge
Tulad ng bottle cap challenge, switch it up challenge nalilimutan na natin yung challenge nung mama doon sa luneta na pino-photo bomb ngayon ang tore de Manila “Ang kabataan ang pag asa ng bayan” naniniwala kapa ba? , naniniwala ka pa ba? “Ang kabataan ang pag asa ng bayan” naniniwala kapa ba? Dapat! Why not? Alam natin kung ano ang nararapat,
Possibleng ibigin mo ang perlas ng silangan na bayang tinubuan mo kahit hindi ka iniibig ng crush mo
Ang kabataang katulad mo at katulad ko nawa’y maging instrumento ng pagbabago maging rekado tayo sa pag-unlad ng bansang ito.

Sa mga kabataang nakaririnig ng talumpating ito tanggalan natin ng filter ang mundo imulat ang mga mata sa totoo
Tayo ang pag asa ng bayang ito
Itaas mo ang ‘yong noo at maniwala ka sa sarili mo,
Kung nakuha ni rizal na ipagkatiwala ang bayan sayo, kung nakuha ni rizal na ipagkatiwala ang bayan sayo bakit hindi ka maniwala sa sarili mo? Isa ka sa magpapabago ng bansang ito.

Aaminin ko na hindi ako mayaman o matalino wala akong maipagmamalaki o maibibigay sa inyo miski isang singko hindi rin ako talentado pero sana magtulungan tayo upang magampanan natin ang ating tungkulin bilang mga kabataang pilipino. Ibangon natin ang bansang ito

Tayo Rin

Ang pagpasok sa isang relasyon
Ay tila pagtalon sa bundok ng karayom
Hindi maiiwasang masugatan kung magkataon
Magdurugo,magkakalamat ngunit tuluyan ding hihilom.
Darating sa puntong magtatanong ka
Kung ika’y masaya pa,
O ayaw mo lang sumuko dahil naaawa ka sa kanya.
Daraan ang panahon
At sa ibang tao ikaw ay lilingon.
Sa tukso at bugso ng damdamin tayo ay tutugon
Sa sakit at hirap puso natin ay mababaon.
May mga minutong mapapaisip ka,
Kung tama pa ba O kung ipagpapatuloy pa.
Kung sa huli’y mauubusan din ng tinta pluma ni tadhana
Bibilis ang panahon at darating sya sa pinakahuling pahina.
Papel kung saan nya sinusulat ang pagiibigan ng dalawang tao.
Papel kung saan pinagiisipan nyang laruin ang ating kwento.
Na kung iisipin ay hindi naman hanggang dulo.
Ngunit heto parin tayo,Nakikipagsapalaran sa ginawa nyang laro.
Hindi natin napigilan ang paghinto ng orasan.
Nagaway,nagkatampuhan at kung hindi naagapan ay nauwi sa kwentong hiwalayan.
Nawalan ng ngiti ang iyong mga labi
Napalitan ng puot at mga hikbi
Nabalot ang puso ng purong pighati
likido sa mata ay tumulo at hindi na muling mababawi.
Nangyari man ang lahat ng ito.
Ngunit andito pa tayo
Ang pulang sinulid ay muling binubuo
Tinutupad ang mga plano’t pangako
Wala ni isa ang sa atin ay susuko.

Kung nakapagsasalita lang ang wika

Nanaginip ako kagabi
Di ako mapakali
Kinabahan ako… ng sobrang tindi
Ang damdamin ko ay hindi ko mawari
Dahil sa pangit na pangyayari
Kaya naman pinilit kong igalaw ang aking mga daliri
Napabalikwas ako at sinampal ang sarili

Panaginip lang ba talaga ito o totoo
Dahil saan mo man tignang anggulo
Ang mga pilipino ay nagsasabi na ng annyeonghasseyo
Hindi ba’t parang gago?
Hindi ba’t parang gago
Na inaaral ang salita ng mga koreano
At gustong ipatanggal ang asignaturang pilipino sa kolehiyo?

May pakanta kanta ka pang ako ay pilipino
Taas noo kahit kanino
Eh hindi mo nga alam pinagkaiba ng dito sa rito
At ito pa ang matundi
Ang paggamit ng balarila ay hindi alam ang tamang proseso
Tapos sasang ayon ka pa na ipatanggal ang asignaturang pilipino sa kolehiyo?
Tikal ng muka mo
Akong si alibata at baybayin pa kaya kilala mo?
Dapat, dahil ako.. ang katutubong paraan, ng pagsulat ng mga pilipino bumalik ka man sa nakaraan
Na ngayo’y unti-unti ng naglalaho…
Dahil may pumupunan na na bago
Kaya naman isinasantabi niyo na ako..,
Isinasantabi niyo na ang wikang pilipino,
Kung nakapagsasalita lang ang wika ,ito ang sasabihin niya sa inyo;
Mga hipokrito!
Kay Rizal at Quezon akoy saludo
Dalwang tao na nagbigay daan sa wikang filipino
Hindi ba’t Tunay ngang nakagagalak maging pilipino?
Yung tipong ika’y babalik sa nakaraan tapos lubos mong makikilala si juanito alfonso.

Maraming barayti ang wikang pilipino
Idyolek
Sosyolek
Dayalek
Etnolek
Di na sya babalek
Lintek!

Nga pala, Ilan sa mga tinuran ni Carlo hornilla ang natandaan ko
Na ang alab ng puso ay hindi lang para paulit ulit kang mahulog sa iba’t ibang artistang koreano
Maging instrumento tayo ng pagbabago
Kahit mas astig pa maging hokage kaysa maging makabayan
Patuloy natin hirangin ang lupang sinilangan.
Kung kaya mong makipagsagupaan para lang sa iyong kasintahan
Sana ganoon ka rin sa iyong wikang kinagisnan
Kung ang iyong kasintahan ay hindi mo kayang bitawan
Sana ganoon ka rin sa Perlas ng Silangan.
Mga kababayan?

Salitang banyaga’y huwag tangkilikin
Kulturang ‘di atin huwag mahumaling
Wikang Katutubo ay buhayin
Mga kabataang pilipino sa wika nati’y linangin
Baduy man sa ating pandinig at paningin
Wikang pilipino ay pagyabungin at patuloy na gamitin

Talumpati; Edukasyon

Maraming tao ang nagsasabi na “Ang edukasyon ang susi tungo sa kasaganahan.” Sadiyang napaka halaga ng edukasyon sa bawat indibidwal sapagkat dito nahahasa ang kani-kanilang kakayahan.
Taong 2012 ng ipatupad ang Programang K-12 marami ang sumang-ayon dito pero mas marami ang sumalungat. Marami rin ang nagsasabi na ang pagpapatupad ng Programang ito ay hindi gaanong sinuri at masyadong minadali. Kung bubuksan mo ng maigi ang iyong pag iisip
Napakarami ng mga suliranin sa sektor ng edukasyon. Nangunguna na diyan ang kakulangan ng mga silid aralan, mga aklat at higit sa lahat ang kahandaan ng bilang ng mga guro na magtuturo ng mga asignaturang pang K-12.
Dagdag gastos at parusa kung ilarawan ng mga taong di sumang-ayon.
Sa kabilang banda may mga pabor sa Programang ito, para sa kanila ito ang paraan para mas malinang o mahasa ang kakayahan at katalinuhan ng bawat mag aaral at tanging Pilipinas na lamang ang walang k-12 sa rehiyon ng Asya sadya raw itong napapanahon at tayo’y napag iiwanan na
Ngunit para saakin ang kalidad ng edukasyon ay hindi sa tagal ng panahon na igugugol ng isang mag aaral sa paaralan hindi natin kinakailangan gumaya sa ibang bansa ng dahil lang sa ito’y napapanahon. Isipin mo, marami na ngang suliranin pagdating sa kalidad ng edukasyon tapos dadagdagan niyo pa ng panibagong suliranin? Hindi matatapos ang isang suliranin kapag tinabunan mo ito ng isa pang suliranin. Sinabi ng mga nasa posisyon na kapag nakapag tapos kana ng G12 ay maaari kana makapag trabaho ngunit bakit marami pa rin ang unemployed? Maraming Gr12 graduates na nakatambay dahil sa walang maaplayan na trabaho?
Hindi ako pabor o kontra sa Programang ito, masasabi kong maganda ito para sa lahat kung mas nasuri lang ng maayos at mas inintindi ang sitwasyon ng bawat mag aaral bago ipatupad ito.

Pahayag

Nais ibalik sa may likha

Ang piyesang humihinga

Mga unos na hindi adhika

Patuloy na hinahabol ang mahina

Tinatahak ang matinik na daan

Sa ilalim ng marilag na buwan

Tintangkang takasan ang unos na dayuhan

Handang balatan ang katawan

Mabago lang ang pangit na kapalaran

Inakyat ang matatarik na kabundukan

Sinisid ang malawak na karagatan

Upang masilayang muli kung saan ito sinimulan

Tinaktak ang garapon ng nakaraan

Hindi nabigo ang lupang tigang

Natagpuan ang pinakapinag-ugatan

Galit ang itinanim sa pusong sugatan

Dugo ang nagsilbing tubig sa taniman

Hindi Maisiwalas ang nararamdaman

Mga masasakit na salita ay nagbunga

Mga pilat ay hindi na mabura

At ngayo’y nadadamay na ang madla sa galit na nadarama

GALIT K.M.M. 2

Sa tuwing ika’y nakikita
Ang itim ng aking budhi ay nagbabadiya
Ang kamandag ng ahas ay pilit kumakawala
Unos ay handang isawalang bahala
Masira lang ang lahat ng salita
Na nakapaloob sa pangalan mong ginawang paksa
Ipuputok ko sa sintido mo ang nag-iisang balarila
Subukan mo man magmakaawa
Hindi ako magdadalawang isip ilapat sa muka mo ang kadena
Galit ang nangingibabaw sa tigreng nasa selda
Handang putulin ang iyong paghinga sa araw na makawala sa tanikala
Itinambal ang pangalan ko sa mga salitang basura gamit ang pasmadong bunganga
Dahilan kung bakit ang apoy sa mga mata ng tigre ay nagbabaga
Mga ngiping punyal ay hinahasa
Handang maghiganti sa pusang kawawa
Hindi ipagsasawalang bahala ang binitawan mong mga salita. Araw-araw kitang kikitilin sa aking mga tula

Without any reason

Funny how the ages passes
As our heart connect and wish that it couldn’t break into pieces
I can’t stop thinking about the things you do for me
The glowing flower on the middle of the dark all I can see
You make me laugh when the time I cry
You make me live when the tim
You make me laugh when the time I cry
You make me live when the time I want to die
You see me as who I am
You love me with no reason and I didn’t know why.