Sawi

Wala akong kahit na anong hinangad

Tila hindi ako pinalad

Kung saan-saan ako napadpad

Pinutol ang pakpak at natigil ang paglipad

Minu-minutong lagalag

Ang puso ko’y hindi makapalag

Nakaramdam ng bagabag

Binibilang ang bawat yapak

Maingat sa tulang inilahad

Ngunit nahulog pa rin sa bitag

Leave a comment