Love

Next time I love
There’ll be no more falling
No more hearts that needs catching
No more fragile heart
That proves fragileness
Whenever it hits the ground hard.

Next time I love
There’ll be no more falling
No more fractured soul
That feels like dying
Whenever it was left alone.

Next time I love
There’ll be no more falling
Just a heart
That still loves unconditionally
Despite all.

Next time I love
There’ll be no more falling
Because love…
Is always worth fighting for.

LIHIM NG BANSA

Kulang ang isang pahina

Kulang ang isang talata

Kulang ang isang tula

Kulang ang lahat ng mga salita

Upang ibahagi ang kariktan ng aking bansa

Ngunit sa loob nito ay maraming pangyayari na hindi tumutugma

Maraming krimen ang lumalaganap na hindi ko adhika

Masasabi mo nga bang tunay na organisado ang bansa?

Kung ang bawat isa ay nagpapatayan para lang sa droga

Maraming taong sangkot rito ay mula sa sekta ng maralita

Ginawang trabaho ang droga upang may maipakain sa pamilya

Upang may maipangtapal sa kumakalam na sikmura

Hindi mapigilan ang luha tuwing nakikitang butas ang bulsa

Naaawa sa pamilyang pinangalanang dukha ng sariling bansa

Handang makipaghabulan kay kamatayan para sa pamilya

Hindi alintana kung mahantong sa katakot-takot na selda

Hinaharap ang taokot sa mga pulisya

Hindi alintana kung mamatay ng walang hustisya makakain lang ang minamahal na pamilya.

Pag-ibig na pigil

Pasulyap lang kung tumingin at hirap din lumapit

Tuwing ikaw ay kausap dila ko’y pumipilipit

Mga salitaan ko’y sumasabit

Kamay ko’y takot na sayo’y dumikit

Mga ngiti ko’y pilit na pinipigil

Kasabay nito ang pagpigil ng aking pag-ibig

Ngunit bigo ako sa tuwing nakikita ko ang iyong tindig

Puso ko’y kay bilis na pumipintig

Ngunit ako lamang ay hanggang titig.

Hanggang kailan?

Lungkot at sakit man ay aking akay

Patuloy akong maghihintay

Hindi naman masama ang aking pakay

Gusto lang kita makasama habang buhay

Nais ko lang hawakan ang iyong kamay

Tumingala sa tala at magbaybay

Lisanin ang mundong matamlay

Buhay ay bigyang saysay

Ito ang isang patunay kung bakit ako naghihintay

Hindi dahil mabilis ka magreply

Kundi dahil buhay ko’y binigyan mo ng kulay

Hanggang kailan ako maghihintay?

Hanggang kailan ako malulumbay?

Maghihintay na lang siguro ako hanggang masanay

Tutal ang puso ko naman sayo ay patay na patay

Pagpapakatanga na rin naman ang aking taglay

Magpapatay malisya na lang na parang bangkay.

Kamatayan

Handang makipag habulan kay kamatayn

Makuha lang ang mundong inaasahan

Tatakbo hanggang sa rurok ng silangan at kanluran

Tatakbo hanggang ito’y makamtan

Mapahamak man sa tinatahak na daan

Mapakain lang ang pamilyang sumisigaw ng katarungan.

Hindi ako titigil

Hindi ako titigil sa pagsulat

Hindi ako titigil hanggat hindi magaling ang aking sugat

Hindi ako titigil hanggang hindi nawawala ang bakas ng mga pilat

Mga pilat na patuloy na nagpapaalala ng nakaraan

Kung saan hindi pinandigan ang mga pangako na iyong binitawan

Ang tanging alam mo lang kase ay ang mang iwan

Mang iwan ng walang dahilan

Mang iwan dahil sa hindi lang tayo nagkaintindihan.

Sugatan

Ang puso ko’y iyong sinugatan

Patuloy na nagdurugo dahil sa sakit na nararamdaman

Hanggang ngayon ay hindi humuhupa na parang ulan

Sobrang kirot at tila hindi na kayang lunasan

Ilang beses na akong pumitas ng dahon sa bayabasan

Sinubukan ko na ring pumunta sa ilang pagamutan

Ngunit ni isa ay walang naging lunas sa sugat na iyong iniwan

Ang nais ko lang naman tayo ay magbalikann

Upang maiparamdam ko sa’yo kung gaano kasakit ang maiwan ng sugatan.

Adan

Hindi mo kailangan maging si Adan

Hindi itsura ang aking batayan

Hindi rin kutis o hugis ng iyong katawan

Ang aking adhika ay ang iyong paninindigan

Ang nais ko lang tungkulin mo’y maayos na gampanan

Hindi mo kailangan gayahin ang sinuman

Hindi mo kailangan magpapula ng labi para ika’y aking magustuhan

Hindi ako bumabase sa tingin ng karamihan

Hindi mo kailangang maging satig ang pormahan

Pagiging maginoo marespeto at marunong sa tulaan ay sapat na para ika;y aking maging kasintahan.