Mundo

Nabuhay ako sa mapanghusgang mundo

Na sa bawat pagtalikod mo ay maraming nasasabi ang ibang tao

Mga taong nagbabalat-kayo akala mo naman totoo

Ang mundo ay parang isang entablado

Ang mga tao ang hurado

Ikaw ‘yong isa sa mga manlalaro

Kahit magdamag ka magkulong sa kwadradong kwarto

Patuloy silang may masasabi saiyo

Ang tadhana nga naman ay tunay na mapanudyo

Kahit kailan hindi magiging sapat ang mga baligho

Sisiraan ka nila hanggang sa ikaw ay sumuko.

Kahinaan

Makalipas ang tatlong buwan

Naisipan kong maglakad sa lihis na daan

Sinibukan kong kausapin ang kapaligiran

Saaming mataimtim sa pagtatalastasan

Naituran ko kung gaano ako nahihirapan

Ikinuwento ko kung paano ako tinalikuran

Ikinuwento ko kung paano ako ipagtabuyan ng mga taong walang laman ang isipan

Mga taong mahilig ibalik ang garapon ng aking nakaraan

Mga taong lubos kong kinatatakutan

Mga taong taliwas sa katotohanan ang nalalaman

Mga taong napakaraming pamantayan

Dahilan para ang aking mga tungkulin ay hindi ko magampanan.

Kabataan

“Ang Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan”

Isang katagang tinuran ng isang bayaning hinirang

Bayaning tumubo sa Perlas ng Silangan

Ipinaglaban ang bayan hanggang sa kaniyang kamatayan

Ngunit naniniwala ka pa ba sa kaniyang tinuran?

Kung ang mga kabataan ngayon ay inuuna na ang harutan

Mas pinipili na maging koryano’t koryana kaysa maging makabayan

Sarili nating wika ay hindi na nila maintindihan

Ang alibata ay hindi na pinahahalagahan kaya patuloy na itong natatabunan.

4 na Katotohanan

MAHAL KITA bago mo pa ako makilala.

Ilang beses mo na ba akong ikinahiya?
kahit na ilang beses mo pa ako ikinaila ,kahit ilang beses kang magkasala,ang bawat punit sa buhay mo..ay aking itutugma.. sa lahat ng aking mga salita.

MAHAL… KITA…

Ang pinakaunang katotohanan
Rumagasa ang dugo mula sa aking katawan
Upang linisin ang ‘yong mga kasalanan
Pinatungan ng koronang tinik, upang kayo’y makawala sa gapos ng kahirapan
Pinako ang aking kamay at paa upang kayo’y tubusin sa impyernong punong puno ng pagdurusa’t kalungkutan
Hangad ko ang Inyong kaligtasan
Ngunit ang tinatamasa mo ngayo’y kalungkutan
Kaya’t dumulog ka saakin sabay sabing “hindi ko ito maramdaman”
Kasabay ang pagsisi saakin sa lahat ng mga natamasa mong kahirapan
Dahilan! Para ika’y Kumawala saaking pagkakahagkan
Ilang beses kitang binulungan at ako’y hindi mo pinakinggan
Mas pinakinggan mo ang sangkatauhan
Na ika’y wala ng patutunguhan
Kaya’t Ilang beses akong kumatok sa puso mo ngunit ako’y hindi mo pinagbuksan

Pangalawang katotohanan
Ang pagmamahal ko’y hindi mo maramdaman dahil sa nakapalibot sayong kasalanan
Ang puso mong punong puno ng poot at kasakiman
Ang tainga mong binging-bingi na sa ingay ng sanlibutan
Ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi ako maramdaman ng manhid mong katawan
Ito ang mga dahilan kung bakit minsan hindi mo’ko kayang pakinggan

Pangatlo,Ako ang daan
Ako ang daan tungo sa buhay na walang hanggan
Ako’y naparito upang tuparin ang Kaniyang kalooban
Kaniyang kalooban na iligtas kayo sa kamatayan
Oras oras ko kayong papatnubyan
Poprotektahan sa oras ng inyong laban Asahan niyong kayoy aking sasamahan
Kahit na minsan, ang mga salita ko’y nakakaligtaan mong pagbulayan
Kahit na minsan,ang mga pangako ko’y hindi mo na kayang panghawakan
Ang bawat pagtawa mo’t pagtangis ay patuloy kong pakikinggan
Kahit na minsan, madalas! Mas pinipili mo akong talikuran
At mas pinipili mong pakinggan ang sanlibutan
Pero ikaw ! Ay hindi ko susukuan
Hindi hahayaang muling malunod sa karagatan ng kasalanan
Sa bawat unos sa buhay mo ikay aking sasamahan
Sa bawat pagtahak sa gabing madilim Ika’y mahigpit na hahawakan
Pangako, hindi kita bibitawan
Dahil ako ang daan patungo sa buhay na walang hanggan
Hindi kita pagdaramutan
Itapon mo na ang laman ng garapon ng ‘yong nakaraan
Ang pagmamahal ko’y higit na mas malawak sa karagatan
Walang sino man ang kaya itong tumbasan
Hayaan mong ang pagkukulang mo’y aking punan

Pang apat. Pagtanggap saakin ng buong puso ang tunay na kaligayahan
Ngunit hindi ko maipapangako na puro lamang pagtawa at kaginhawaan ang iyong mararanasan
Dahil ipaparanas ko sa’yo lahat ng aking karanasan
Lahat ng hirap na aking pinagdaanan
Lahat ng laban na pinag tagumpayan
Handa kaba sa pagsubok na aking inilaan?
Ito ay proseso na kailangan mong gampanan
Sa mga panahong ika’y sugatan
Salita ko ang dapat paghugutan
Upang malagpasan ang makipot at madilim na daan
Kaya ngayon,kumakatok ako ulit sa puso mo
Hinihikayat na talikuran mo ang mundo,
Hakbangan ang bawat pangako at plano na inihanda ko para sayo
Ito ang tunay na paraiso
Kasama mo ako sa bawat laban mo
Maniwala ka. Ikaw ang pinaka magandang disenyo ko

Aking himig

Alam kong hindi ako kagalingan,

Alam ko rin na kahit kailann ay hindi mo’ko hahangaan,

Nasasaktan ang aking damdamin,

Araw-araw humaharap sa salamin,

Tinatanong ang sarili…. ano ba ang dapat gawin?,

Kamalian ko lang ang napapansin,

Ang baba ng tingin niyo saakin,

Ngayon ako’y nakatulala,

Namumugto ang mga mata,

Nanginginig ang mga kamay sa kaba,

Iniisip ang mga masasakit na salitang binitawan mismo ng aking ama at ina,

Mga pagbabanta mula sa labi ni ama,

Ang aking pamilya ay hindi gaanong masagana

Katulad ng iba, marami rin kaming problema

Hindi naman sa pagiging madrama,

Nais ko lang ilahad ang aking nadarama.

LIHAM NG UMIIBIG

Amoy ng pinaghalong papel at tinta ng pluma,
Ang iaalay ng manunulat sa kaniyang sinisinta,

Ipapahayag sa larangan ng pagtutugma ng mga salita

Sapagkat hindi mailahad ng direktang salita.

Pagsasaulado ay hindi ko tipo,

Ngunit sa bawat pag ngiti mo ay aking memoryado,

Hindi sapat ang salitang mga pulido

Hindi rin sapat ang awit at kurido para ilahad ang pag-ibig ko sayo.

Bitaw na

Ilang araw na ako ditong pasikot-sikot

Ilang beses ko na rin itong nililibot

Ngunit isip ko’y di makalimot

Puso ko’y punong-puno ng poot

Mga sugat ay patuloy na kumikirot

Habang ang mundo’y umiikot

Mga agam-agam ay gumugulo

Mga luha’y ‘di namalayang tumulo

Sakit saaking puso ang namumuno

Ani mo’y mundo’y guguho.

Pasko

PASKO NA NANAMAN
Pasko na naman
Pero bakit ako pinagkaitan ng kagalakan?Habang ang ibang pamilya’y nagkakasiyahan
Ang aking pamilya ay walang tigil na nagsisigawan
Walang sawang sumbatan
Ako ngayo’y nakatingin sa kawalan
Iniisip kung anong nagawang mali sa sanlibutan
Ganito na lang kada araw
Rinding rindi na ako sa bawat sigaw
Murahan ay umaapaw
Handa sa hapag ay tanging lugaw
Pag gising sa umaga
Bubungad ang malutong na mura ni ama
Mga salitang nakapanghihina
Hindi maipaliwanag ang sakit na nadarama
Nagkulong sa kwartong tila ba naging selda
Binuksan ang bintana
Sinilayan ang mga tala
Ipinikit ang mga mata
Humiling kay bathala na makatikim ng kaunting ginhawa at saya mula sa pamilya
Mga luhang kanina pa nagbabadiya
Tuluyan ng umagos na parang lawa
Ngayo’y sa may Kapal nagmamakaawa
Ipadama niyo po sa pamilya ko ang tunay na diwa
Mamulat sa hubad na katotohanan
Sawa na ako sa pamilyang puno ng sumbatan
Ang pasko ay araw ng pagmamahalan
Ito ang araw na dumating si Jesus sa sanlibutan
Upang iligtas ang mga taong makasalanan
Iligtas mula sa kamatayan tungo sa buhay na walang hanggan
Ang pasko ay hindi lamang para magbigay sa bawat taon
Ito ay isang pag ala-ala na dumating sa sanlibutan ang ating Panginoon.

Aking himig

AKING HIMIG”

Namulat ako sa pangit na katotohanan
Maraming tanong na umiikot sa’king isipan
Bakit kailangan akong ikumpara kay pinsan?
Alam kong hindi ako kagalingan
Alam ko rin na hindi kailanman mo’ko hahangaan
Nasasaktan ang aking damdamin
Araw araw humaharap sa salamin
Tinatanong ang sarili, ano ba ang dapat gawin?
Napakababa saakin ng iyong tingin
Kamalian ko na lang lagi ang napapansin
Ngayon ay nakatulala
Namumugto ang mga mata
Nanginginig ang kamay sa kaba
Naiisip ang mga masasakit na salita
Mga pagbabanta mula sa labi ni ama
Hindi naman sa pagiging madrama
Nais ko lang ibahagi ang aking nadarama
Masasabi kong malaki ang aming pamilya
Miyembro kami ng Maralita
Isa ako sa mga walang kwenta
Hindi ako matalino at talentado
Hindi ako mahusay na inaakala n’yo
Isa lang akong inakay na mahirap matuto
Dukha at maitim ang kuko
Ito ang awit ng buhay ko
Hindi masaya kundi nakakadurog puso
Ang Pamilya ko’y maingay at magulo
Ngunit umaasa ako na balang araw makakasama ko sila sa paraiso

Position

In the right position:
Minsan kaya siguro dimo ma appreciate ang buhay at umaayaw ka dahil mali lang ang iyong position
Ang daang panget at mahirap ay daan patungo sa magandang position
Parang pag akyat lang sa isang matarik at delekadong bundok. Mahirap siya akyatin nakakatakot at delikado ngunit kapag narating mo na ang tamang posisyon which is ang tuktok. Makikita mo na ang ganda at mapapawi lahat ng pagod mo.
Minsan kase ang bilis mong sumuko kaya hanggang doon ka lang sa panget na posisyon tapos magrereklamo ka at isisisi mo pa sa iba.

Minsan ang mga bagay na inalisan mo na doon ka ibabalik ng Lord para pagpalain ka.
Kapag nakatuon ka sa sarili mo dyaan ka malulungkot
Ang pagmamahal sa Diyos at kapwa ang tunay na source ng joy
Malungkot ang isang tao kung ang atensyon nya ay nasa kaniyang sarili lamang